Una sa Balita

Mag-utol binoga, binaon sa Ilocos

0 293

TODAS ang magkapatid matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Barangay Maynganay Norte, Sta. Maria, Ilocos Sur noong Biyernes nang gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina John Glenn Taguibao at nakakabatang kapatid nitong si Johanes Paul Taguibao, kapwa nasa hustong gulang ng Brgy. Nagtupacan nang nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Maria Police Station (SMPS), Sabado nang madaling-araw ay natagpuan ang bangkay ni Johanes sa isang bakanteng lote sa Brgy. Manganay Norte na may walong tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, makalipas ang ilang oras ay nakita naman sa mababaw na hukay ang bangkay ni John Glenn, na may tama sa ulo.

Sa ngayon, hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga Taguibao at nagsasagawa na ng follow-up investigation ang SMPS kung ano ang motibo sa pagpatay sa magkapatid. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy