Una sa Balita

Mag-utol, 8 pa dinakma sa P300K shabu, marijuana

By
0 1,598

Arestado ang magkapatid na lalaki at 10 pa na sinasabing mga nagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang ‘Anti-illegal drug at anti-criminality operation’ sa Quezon City kahapon nang mada­ling-araw.

Ang mga suspek ay kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., na sina James Win Basco, 37-anyos, at nakababata nitong kapatid na si Joel John Basco, 35-an­yos, kapwa residente ng Brgy. Batasan, Quezon City.

Kabilang din sa mga nadakip sina Marvin Ladrillo, 24; Dominador Ramos, 33; Alfredo Satiaga, 40; Jerome Torres, 28; Luis Enrique, 25; Leymark Lim, 42; Michael John Rapales, 18; at Joven Peralta, 23.

Batay sa report, dakong ala-1:30 nang madaling-araw ay nagsagawa ng sunud-sunod na drug bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng QCPD laban sa mga suspek.

Ayon kay Esquivel, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspek kaya ikinasa ang buy-bust laban sa mga ito.

Narekober ng QCPD sa mga suspek ang nasa P300,000 halaga ng shabu, marijuana at iba’t ibang drug ­paraphernalia.