Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-partner na pusher timbog sa Marikina

0 60

Nalambat ng Marikina Police ang isang tulak at kasabwat nito sa pagbebenta ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Parang, kung saan nasamsam ang nasa P353,600 halaga ng droga, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang mga suspek na sina Cerial Edradan, 42, labilang sa drug watch list at kasabwat na si Armando Teves, 53.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang dalawa alas-3:05 Lunes ng hapon sa Carmelita Compound, Magsaysay Street ng nasabing barangay, matapos ang naganap na transaksyon sa pagitan ng mga suspek at isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 14 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 52 gramo ng shabu, isang cellphone, at P500 buy-bust money. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.