Una sa Balita

Mag-live in tinodas ng tandem sa Cebu

By
0 268

BUMULAGTA ang mag-live in partner sa Talisay City, Cebu makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na pawang sakay ng motorsiklo Linggo nang madaling-araw.

Galing umano sa Planet­ resto bar ang mga nasawing sina Carol Dixie Bacalso, 28, at Felix Yaris, 30, nang ilang ulit na paputukan ng baril habang binabagtas nito ang Rabaya St. Sitio Matanigda­non, Brgy. Tabunok, alas-tres nang madaling-araw.

Nabatid kay Police Major Ardeolito Cabagnot, deputy chief of police ng Talisay City PNP, na posibleng may kina­laman sa iligal na droga ang pagpatay kina Bacalso at Yaris, dahil kabilang sa drug watchlist ang una.

May mga ulat umano na natanggap si Cabagnot hinggil sa pagkakasangkot sa iligal na droga ng mga biktima. Dagdag nito, biglaan umano ang pagyaman ng dalawa kahit pa pareho itong walang trabaho.

Nakatanggap din ng impormasyon ang pulisya na may nangyayari umanong transaksyon ng bentahan ng droga sa nabanggit na bar.

Nakuha sa pinangya­rihan ng krimen ang anim na basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy