Una sa Balita

Mag-live in sinamurai ng 4 magkakamag-anak

0 547

TODAS ang mag live-in partner matapos silang pagsasaksakin, gamit ang isang samurai ng apat na mga suspek na pawang magkakamag-anak dahil lamang sa lumang alitan sa Barangay Buenlag, Binmaley, Pangasinan noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Binmaley Police Station (BPS) chief-of-police P/Col. Brendon B. Palico, ang biktimang sina March A. Soriano, at kanyang live-in partner na si Myrna C. Ramos, isang guro, parehong taga nasabing barangay.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Eugene Soriano, 35, construction worker; Regin Soriano, 42, foreman; John Mark Soriano, at isang alyas “Tatakoy”, pawang taga-Binmaley.

Sa telephone interview, sinabi ni Palisoc sa Abante na nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mga biktima.

Sinabi ni Palisoc, sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa isang kamag-anak ng mga biktima na si Prince Mermarch Liberato Jaime Ramos, na nanonood siya ng TV nang marinig niya na nag-aaway ang mag live-in na biktima at ang mga suspek.

Dito, nakita ni Prince ang kanyang nanay (Myrna Ramos) na nagmamadaling pumasok sa kanilang bahay dahil sa hinahabol siya ng mga suspek.

Sinabi ng BPS, ang live-in partner ni Myrna na si March ay sinubukang umawat sa mga suspek ngunit sila ay pinagsasaksak ng isa mga mga suspek gamit ang samurai sa loob ng tahanan ng mga biktima.

Agad na dinala sa Lingayen District Hospital sa Lingayen ang mag live-in partner ngunit sila ay dead-on-arrival ayon sa attending physician.

Dito, ayon kay Palisoc, agad na naaresto sina Eugene at Regin habang nakatakas naman sina John Mark Soriano at Tatakoy

Sa ngayon, naglunsad ng manhunt operation ang BPS laban sa dalawang nakatakas at kasong double murder ang isinampa sa apat na suspek. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More