Una sa Balita

Mag-live in partner tinodas sa loob ng bahay

By
0 706

PINASOK sa kanilang bahay ang isang mag-live in partner na umano’y parehong tulak ng iligal na droga at saka pinagbabaril sa Biñan City, ­Laguna kamakalawa ng umaga.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Biñan ang mga biktimang nakilala lamang sa mga pangalang Michael, 35-anyos at Pearl, 20-anyos, dahil sa mga tinamong bala ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa report ng Biñan City police, nakapasok ang suspek sa tinitirahang barong-barong ng mga biktima sa Tabing-Riles, Halang road, Barangay Canlalay at wala umanong sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa dakong alas-7:30 ng umaga.

Sa pagsisiyasat ng SOCO sa crime scene, narekober dito ang pitong basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril na pinaniniwalaang ga­ling sa baril ng suspek.

Nakuha rin sa mga gamit ng mga biktima ang limang sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon pa rin sa pulisya, kilala umanong tulak ng droga ang mag-live in partner at ginagawa na rin umanong drug den ang bahay ng mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More