Una sa Balita

Mag-live in partner na batikang pusher laglag sa Pasig

By
0 125

Kulungan ang bagsak ng mag-live-in partner matapos masakote sa pagtatago ng mga iligal na droga sa ikinasang search warrant operations, kamakalawa nang gabi sa Brgy. San Joaquin, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Dir. Gen. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina Elden Piamonte y Tolentino, 38-anyos, at ang kanyang live-in partner na si Adora Santos y Serafica, 39, kapwa residente ng No. 54 San Bernardo St., Brgy. San Joaquin, Pasig City.

Ayon sa report, nagsagawa ng search operation sa Brgy. San Joaquin ang mga tauhan ng EPD Drug Enforcement Unit, Special Operations Unit at Police Community Precinct (PCP) 2 sa pa­ngunguna ni PSupt. Mangaldan, hepe ng DSOU, bandang alas-11:00 kamakalawa nang gabi sa bahay ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 36 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, dalawang improvised tooter at aluminum foil.

Nabatid na si Piamonte ay isa sa Amin Buratong Drug Pusher na kilalang nagbebenta ng iligal na droga sa Pasig shabu tiange at tinaguriang High Value Target (HVT) ng pulisya at kasama sa listahan ng Pasig City Police Stations Drug Watchlist bilang street level pusher.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.