Una sa Balita

Mag-live-in partner arestado sa buy-bust operation

By
0 1,177

Kalaboso ang mag-live-in partner na umano’y tulak ng iligal na droga sa kanilang lugar sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Chief Inspector Jowilouie ­Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kinilala ang mga nadakip na sina Buboy Sta. ­Maria, 35-anyos at Lydia Bolo, 40-anyos, pawang mga residente ng Dulong Tangke, Barangay ­Malinta ng nasabing lungsod.

Kuwento ni Major Bilaro, kilalang tulak sa kanilang lugar si Sta. Maria at matagal na itong under surveillance ng mga pulis.

Dakong alas-sais ng gabi, ikinasa ang buy-bust operation kungsaan isa sa mga pulis ang nagkunwaring buyer.

Nang iabot na ni Sta. Maria ang shabu, dito na siya pinasok ng mga pulis sa loob ng kanyang bahay. Hinuli rin si Bolo na bumatak ng shabu.

Nasamsam ng mga pulis ang 10 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000 sa ­market value.

Depensa ni Sta. Maria, inaangkat lang daw niya ang mga nasabing shabu na kanya namang ibinebenta sa kanilang lugar.

Aminado naman si Bolo na gumagamit ito ng iligal na droga.