Una sa Balita

Mag-live in huli sa drug bust

0 365

KULONG ang mag-live in partner na sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot sa ikinasang drug buy-bust operation ng Marikina Police, kamakalawa nang gabi sa Barangay Concepcion Uno.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PSSupt. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina George dela Paz, 41-an­yos at Mia Pauline Miranda, 25-anyos, kapwa residente ng 151 unit 4E, Manalo St., Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon kay Marikina Drug Enforcement Unit, P/Insp. Greco Gonzales, isinagawa ang buy-bust bandang alas-8:40 Huwebes nang gabi sa Barangay Concepcion Uno makaraang makatanggap ng tawag kaugnay sa pagbebenta ng droga ng mag-live in partner.

Isang pulis na poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng droga at nang makakuha na ng epektos ay agad na dinampot ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet na naglalaman ng shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy