Una sa Balita

Mag-ingat

0 552

Dear Abante,
Isang mapagpalang araw sa lahat ng bumubuo ng Abante at mga tagasubaybay ng No. 1 tabloid sa Pilipinas!

Kamakailan lang ay may umuugong na balita ng terorismo sa ibang panig ng bansa. Nagresulta ito ng paghihigpit ng seguridad sa mga simbahan at matataong lugar. Sana naman ay hindi matuloy ang masamang balak na ito at nawa’y wala nang inosente pang buhay ang malagas dahil sa hindi magandang planong ito at sana ay masugpo na ang mga taong nasa likod nito.

Huwag din sana tayong masyadong mabahala dahil ginagawa ng ating mga pulis at militar ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatiling ligtas ang bansa.

Ang mapapayo ko lang sa mga kapwa ko Pilipino ay maging mapagmatyag at mag-ingat.

Sarah ng Bulacan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy