Una sa Balita

Mag-ingat sa WILD disease — DOH

By
0 3

Ngayong pumasok na ang tag-ulan muli namang nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa mga sakit na hatid ng rainy season na sinimple nito sa katagang WILD diseases.

Ayon kay Health Secretary Janette Garin, ang WILD ay pinaiksi ng ‘water-borne’, ‘influenza’, ‘leptospirosis’ at ‘dengue’.

Ani Garin, madali lamang protektahan ang sarili laban sa WILD diseases sa pamamagitan ng pagkakaroon ng proper hygiene at lifestyle habits.

Abante Hiring – IT dep

Una umano ay mahalagang magkaroon ng kumpletong tulog ang isang tao, kumain ng masusustansiyang pagkain, regular na mag-ehersisyo at mag-practice ng tamang waste disposal.

Ugaliin din ang pagtatakip ng bibig kung babahing at regular na hugasang mabuti ang mga kamay, gamit ang tubig at sabon, bilang proteksyon sa anumang karamdaman.

Paliwanag ni Garin, ang maruming kamay ay kontaminado ng mga virus at bacteria at matatanggal lamang ito sa pamamagitan ng proper handwashing.