Una sa Balita

Mag-ingat sa mga bolerong kandidato

0 496

Halos lahat ng mga kandidato ngayon mula sa National hanggang sa local ay nagpaparamdam na sa mga botante na nagsasabing sila ay karapat dapat sa posisyon upang maglingkod sa taumbayan.

Magandang pagtuunan natin ng pansin ang mga National candidate tulad ng pagka senador.

Pero dapat ay maging­ maingat ang mga botante sa pagboto ng mga kandidato tulad sa pagka senador.

Maraming kandidato ang nagsasabing sila ay may malasakit sa taumbayan pero ang nakapagtataka ay bakit ngayon lang sa panahon nalalapit na eleksiyon sa bansa.

May isang kandidatong senador na nagmamalasakit daw sa mga may sakit na Pilipino kung kaya’t nagtatag ito ng malasakit center.

Pero sino ba ang gagastos sa center na ito? Eh mga ahensiya o korporasyon na kontrolado at pag aari ng gobyerno kaya’t malinaw na ginagamit ang resources ng pamahalaan.

Sa kabutihang palad, kahit pa sobrang epal ang kandidato ay hindi naman pumapasok sa magic 12 sa mga survey sa mga senatorial candidates.

Dapat ay pag-isipang mabuti ng publiko kung dapat bang iboto ang mga kandidatong sobrang laki ang ginagastos sa kampanya tulad ng mga advertisements sa radyo, telebisyon, dyaryo at mga nagkalat na billboard at tarpaulin sa mga kalye.

Alam niyo bang ang suweldo lang ng mga senador ay P117,086 o katumbas ng salary grade 31 sa gobyerno at kung ating susumahin ay aabot sa 1.4 million kada taon o mahigit 8.4 million sa kaniyang 6 na termino ang suweldo ng isang senador.

Pero hindi pa man nagsisimula ang pormal na kampanya sa eleksiyon ay naunang nangampanya at gumastos na ng milyon-milyong piso ang mga kandidatong senador at inaasahang aabot sa 300 million haggang 500 million pesos ang magagastos .

Ang nakalatakot dito ay papaano babawiin ng mga kandidato sakaling sila ay maging senador ang mga gastos sa kampanya?

Kaya naman dapat ay maging maingat ang lahat ng botante at sa a­king pananaw ay huwag iboto ang mga epal at gumagastos ng malaki sa eleksiyon dahil tiyak babawi ang mga yan at dehado ang taumbayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy