Una sa Balita

Mag-ingat sa kalsada

0 303

Dear Abante:
Isang mapagpalang araw para sa ating lahat! Gusto ko lang sanang paalalahanan ang mga driver lalo na ng mga bus na mag-ingat sa pagmamaneho.

Ilang linggo na ang nakalipas, nakasakay ako sa isang bus pauwi galing trabaho ngunit imbes na makapagrelaks nang kaunti ay hindi ako mapakali dahil mabilis magpatakbo ang driver at mistulang nakikipag-unahan pa sa ibang bus.

Sana lang ay mag-ingat sila sa pagmamaneho dahil hawak nila ang buhay ng maraming tao na gusto lang namang makarating nang maluwalhati sa kanilang pupuntahan. Pairalin sana natin ang disiplina dahil dito nagsisimula ang lahat. Sa aking palagay ay malaki ang ikauunlad ng ating bansa kung mayroong disiplina ang bawat mamamayan. Mas makabubuti rin siguro kung lagi nating papairalin ito lalo na sa daan para sa ikauunlad ng ating bayan.

Related Posts

Alexandra
Dasmariñas, Cavite

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy