Una sa Balita

Mag-ina todas sa away-lupa

By
0 99

Arestado ang isang lalaki matapos mapatay sa saksak ang mag-ina at masugatan pa ang isang 13-anyos na lalaki sa Barangay Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Reymund Celoso, hepe ng Barotac Nuevo Police, kahapon naman ng madaling-araw sumuko ang suspek na si Efren Descutido.

Si Descutido ay responsable sa pamamaslang sa mga biktimang sina Nelly Britania, 80, at anak nitong si Lilibeth Silvederio, 52, habang kritikal naman si John Kenneth Silvederio, 13.

Ayon sa suspek, matindi ang kanyang galit sa pa­milya ng mga biktima dahil sa away sa lupa.
Base sa pahayag ng saksing si Mark, narinig niya nang magkasagutan kamakalawa ng gabi ang biktimang si Lilibeth matapos sirain ng suspek ang tanim ng biktima na kamoteng kahoy, bago hinabol ni Descutido ang biktima.

Makaraang minura ang suspek, pinasok ni Descutido ang biktima sa bahay nito at pinagsasaksak. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy