Una sa Balita

Mag-ina sinuwag ng walang prenong bus

0 269

Patay ang 46-anyos na babae samantalang malubhang nasugatan ang 5-taong gulang na anak nito nang kapwa mahagip ng van na nakaladkad naman ng isang bus sa Maharlika highway, Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon Huwebes nang umaga.

Idineklarang dead-on-arri­val sa Candelaria United Doctors hospital ang biktimang si Loreta Brion Yubion samantalang ginagamot pa rin ang anak nito na si Aizy na nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang mag-ina ay nasagasaan ng aluminium van na kinaladkad naman ng Eagle Star bus habang tumatawid sa pedestrian lane sa tapat ng eskuwelahan ng bata alas-6:30 nang umaga.

Nakahinto sa pedestrian lane ang van upang bigyang daan ang mga tumatawid na mag-aaral patungo sa katapat na eskuwela­han nang salpukin naman ito sa likuran ng nawalan ng prenong Eagle Star bus na galing pang Visayas at patungong Maynila.

Sa lakas ng pagkasalpok, nakaladkad ang van ng nasa pitong metro hanggang sa maabot ang mag-ina.

Ayon sa mga pasahero ng bus, dalawang beses na umanong nasi­raan sa daan ang bus mula nang uma­lis sila sa Leyte subalit ipinagpatuloy pa rin ng driver ang biyahe.

Inaresto naman ng mga pulis ang driver ng bus na si Vicente Abarracoso Bacarra na taga-Leyte at maging ang driver ng van na si Dionesio Alemajen Alejan na taga-Valenzuela City. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy