Una sa Balita

Mag-ina patay sa sunog sa Paranaque

0 24

Patay ang mag-ina sa may halos isang oras na sunog sa La Huerta, Paranaque kaninang tanghali (Setyembre 29).

Sa ulat Fire Officer 2 Gennie Huiden, arson investigator ng Paranaque Fire Bureau, nasawi sa sunog si Dazzel Alloya, 30 anyos, at ang anak na si Ariella Adi, 3 taon.

Nasunog ang kanilang bahay na nasa JP Rizal St. corner P. Dandan St. Sa La Huerta. Nag umpisa ang sunog 11:32 ng umaga at tumagal hanggang 12:48 ng tanghali, inabot ng ikalawang alarma.

Nakita ang kanilang bangkay sa kwarto sa ikalawang palapag ng bahay kung saan hinihinalang nagmula ang apoy.

Nakatalukbong ng kumot ang mag-ina nung makita ng mga pamatay-sunog nung ganap na maapula ang apoy.

Walang ibang kasama ang mag-ina sa bahay noong maganap ang sunog.

Ang mister ni Alloya ay nagkataong nagtitinda sa palengke ng La Huerta noong maganap ang sunog.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsalang idinulot nito.