Una sa Balita

Mag-iinang triathlete nakakabilib

0 261

NAIS kong ibahagi sa inyo mga ka-Abante ang aking naging panayam sa mag-iinang triathlete, kasama ni Ms. Diane Lunar ang kanyang dalawang anak na sina Aidan at Athena Bagas.

Sa murang edad ng dalawa, Aidan (10), Athena (6) ay may passion na talaga sila sa triathlon. Alam naman natin na hindi biro itong sport na ito, blessed sila dahil athlete rin ang kanilang ina kaya naman all out ang suporta ni Mommy Diane sa kanyang dalawang babies.

Ang cute nilang pagmasdan, talagang close na close sila at sweet sa isa’t isa, mas lalo silang pinaglapit ng triathlon. Nakakabilib ang magkapatid dahil kahit sobrang bata pa nila ay talagan makikita mong committed at passionate sila sa larangan na pinasok nila.

Grade 5 at Grade 2 pa lang sila, pero ibang klase ang disiplina na meron sila.

Nung ganito ang edad ko, aba, chinese garter ang nilalaro ko pero sila 80 feet at 20 feet deep na open water ang nilalangoy nila, pambihira, ibang klase!

Masaya ako na makilala sila dahil nagbibigay sila ng inspirasyon, tulad ni Aidan na kaya pinasok ang swimming ay dahil sa kanyang health issues, pero ngayon hindi lang niya ito ginagawa dahil dito, pinagpatuloy niya ang sport na ito dahil napamahal na sa kanya.

Ipagyayabang ko lang rin na si Aidan ay pang-50 sa overall world ranking sa open water category at Rank 15 naman siya sa 19-under sa open water category, ang galing ‘di ba?

Hindi naging hadlang ang pinagdadaanan niya sa kanyang kalusugan, ito pa ang mas nagpatibay sa kanya at nagdala sa tagumpay na meron siya ngayon.

Ang bibong-bibong si Athena naman ay competitive, ayaw nitong nagpapatalo sa kuya niya, sa murang edad ay nais na niyang subukan ang 60 feet deep sa open water category, sabi ko nga, sa 5 feet pa lang hirap na ko, paano pa sa 60 feet? Haha!

Ibang lebel ng tapang meron ang batang ito, witty pa. Kapag sumagot siya sa mga tanong, kala mo hindi lang 6 years old ang kausap mo. Nakakatuwa ay hindi nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral. Araw araw ang klase nila, ilang oras na pahinga lang matapos ang klase ay diretso na sa training ang magkapatid.

Walang mintis sa ensayo ang dalawa, hindi nakararamdam ng pagod, balanseng-balanse nila ang schooling at pagiging mga atleta, mga lodi talaga.

Kaya sa inyo Aidan at Athena, pagpatuloy niyo lang ang pagmamahal sa sports, hangad namin ang success ninyo. Saludo kami sa iyo Mommy Diane!

God bless po!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6pm.

Abangan po ninyo ang pasabog na handog namin sa ikalawang taon ng Sportalakan. Salamat po.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy