Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-iina iginapos, alahas ubos

0 134

Pinasok ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang negosyante, iginapos ito kasama ang tatlong anak pati ang dalawang kasambahay at saka tinangay ang P600,000 halaga ng mga alahas at iba pang gamit sa Calauag, Quezon noong Lunes.

Sa report ng Calauag police, pumasok ang mga suspek sa bahay ng negosyanteng si Bienvenida Rosas, 52-anyos sa Brgy. Poblacion 4 sa nasabing bayan bandang alas-sais ng umaga. Agad itong iginapos ng mga suspek gayundin ang dalawa nitong anak na edad 14 at 7 at dalawang kasambahay na sina Jenalyn Agapay, 34-anyos at Jackilyn Ardevela, 25-anyos gamit ang packaging tape, sinturon at mga extension wire.

Hinalughog ng mga suspek ang bahay at tinangay ang mga alahas na nagkakahalaga ng P600,000.00, P7,000 cash at mga ATM ni Rosas.

Tinangay din ng mga kawatan ang anim na unit ng celphone ng mga biktima, 2 ipad, pati ang 32cal. na baril ni Rosas at susi ng Mitsubishi Montero ng pamilya.

Nagbanta pa ang mga suspek na papatayin ang mga biktima kapag nagsumbong ang mga ito sa pulisya at magdemanda.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.