Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-BFF na jobless nagsoli ng P24K

0 92

Sa kabila ng kawalan ng hanapbuhay, hindi nagkainteres ang dalawang magkaibigan sa napulot na wallet na naglalaman ng higit P24,000 at pinili pa rin na ibalik sa may-ari.

Marami ang humanga sa katapatan na pinakita nina John Lowel Parina, 33 at Vincent Portes, 23, kapwa residente ng Brgy. Gen. T. De Leon sa Valenzuela City. Kwento nila, galing umano sila sa pag-aapply sa trabaho at pababa na ng bus sa Paso De Blas nang mapansin sa lapag ang isang wallet na may lamang pera at ATM card.

Sa tulong ng pulisya at mga identification card sa wallet, nakilala ang may-ari na si Cel Jhon Santiago 24, working student sa Univesity of Manila, assistant manager sa isang restaurant. Naibalik sa kanya ang pera na pang-tuition fee pala niya. Labis na nagpasalamat sa dalawang magkaibigan na kahit apektado ng pandemya ay nanaig pa rin ang katapatan.

Aniya, nahulog sa kanyang likurang bulsa ang pitaka at hindi nito namalayan at sa trabaho na niya nabatid na nawawala na ito. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.