Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-BFF huli sa aktong pot session

0 77

Timbog ng pulisya ang dalawang magkaibigan matapos mahuli sa akto na humihithit ng shabu sa Caloocan City, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Jhon Lester Mayor, 19 at Raymond Debangco, 28, kapawa residente ng Brgy. 179.

Sa ulat ng Sub-Station 15 ng Caloocan Police, alas-8:40 ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may dalawang lalaki diumano na nagpa-pot session sa isang bakanteng bahay sa Anonas Street.

Mabilis na rumesponde sina PCpl. Rodolfo A. Domingo at Pat. Gerold Catapang at pinuntahan ang lugar na sinabi ng caller, para kumpirmahin ang impormasyon.

Pagdating sa lugar ng dalawang parak, kitang-kita nila sa kanto na bumabatak ang magkaibigan at hindi na rin namalayan ng mga huli na may paparating na mga awtoridad.

Dinala sa presinto sina Debangco at Mayor at kinasuhan ng kaukulang paglabag. Nasamsam sa kanilang dalawa ang mga drug paraphernalia at tatlong plastic sachet na may lamang shabu. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.