Una sa Balita

Mag-ate huli sa 10 sachet ng shabu

By
0 205

Kalaboso ang isang lalaki at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae matapos na mahulihan ng mahigit sa 10 sachets ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon kahapon nang hatinggabi.

Sa ulat ni Malabon City Police Chief SSupt. Harry Espela, kinilala ang mga suspek na sina Jenifer Franco alyas ‘Jannet’, 52anyos, at kanyang nakababatang kapatid na si Michael Franco, 33, pawang mga residente ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Ganap na alas-12:30 nang hatinggabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Intelligence Branch sa pamumuno ni PSInsp. Johnny Baltan matapos ang isang linggo ring surveillance laban sa mga ito.

Sa kanila ring lugar nagbebenta ng shabu ang magkapatid. Nang magkaabutan na ng shabu na inorder at marked money na P500 ay doon na inaresto ang magkapatid at nang kapkapan ay nasa 10 na heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na ina­alam pa ang dami ang narekober sa kanila.

Agad idiniretso sa himpilan ng pulisya ang mag-utol na pawan­g nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Napag-alaman na mga baguhan pa lamang sa iligal na kalakaran ang magkapatid na wala pa nga umano sa drugs watch list ng pulisya.