Una sa Balita

Mag-asawang Yoga teacher patay sa road accident sa Ilocos Sur

0 1,426

PATAY ang mag-asawa na kapwa Yoga teacher matapos bumangga ang sinasakyan nilang ­motor sa humahagibis na kotse sa may national highway ng Barangay Paing, Bantay, Ilocos Sur noong Linggo, Abril 29.

Kinilala ng Bantay Police Station (BPS) ang mga biktimang sina Joseph Enriquez, 31-anyos, at asawa nitong si Retchel Enriquez, 23-anyos, parehong taga-Metro Manila. Kapwa nagtuturo ng Yoga ang mag-asawa sa iba’t ibang gym.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng BPS na tinatahak ng mag-asawang biktima ang national highway ng Barangay Paing ng nasabing bayan nang biglang bumulaga sa kanilang linya ang isang kotse na minamaneho ni Forendo Diaz, 46-anyos, isang overseas Filipino worker (OFW) ng Nagcanasan, Pilar, Abra.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng kotse habang nagmamaneho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy