Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-asawang Tiamzon 40 taon kulong sa kidnapping

0 256

Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 216 ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong ang dalawang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Nabatid na ang `couple’ na sina Benito Tiamzon alyas Ka Goryo, Iyo, Orly, Julian at Celo at Wilma Austria alyas Ka Cipring ay napatunayang guilty sa kasong kidnapping at illegal detention.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawa matapos bihagin ang apat na militar na sina Lts. Clarito Santos, Oscar Singson, Oscar Salamanca at Abraham Claro Casis noong Hunyo, 1988 sa Brgy. Taguan, Candelaria, Quezon sa loob ng 75-araw.

Inatasan rin ni Judge Alfonso Ruiz II, ng QCRTC, Br. 216 ang mga akusado na bayaran si Casis, ng P75,000 para sa moral damages, P75,000 sa indemnity at P75,000 sa exemplary damage.

Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Justice Secretary Menardo Guevarra sa naging desiayon ng korte.

“I still have to read the entire decision. But it’s a victory for the prosecution, so as SOJ I am happy about the outcome of the trial,” ayon kay Guevarra.

Bukod sa nasabing kaso, sina Benito at Wilma ay akusado rin sa kasong murder na nag -ugat sa pagkakadiskubre ng mass grave sa Leyte .

Ang couple ay naaresto noong 2014 sa Barangay Zaragoza sa Aloguinsan, Cebu ng magkasanib na puwersa ng pulis at militar. (Juliet de Loza-Cudia/Riz Dominguez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.