Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-asawang PNP off’l, `Q’ at `R’ lang pangalan ng anak

0 138

Kung ang ilang mga magulang ay nagagalak na gawing doble o mahaba ang pangalan ng kanilang mga anak, may mag-asawang PNP officers na pinangalanan lang ng tig-isang letra ang dalawang anak.

“Q” at “R” ang pangalan ng mga anak nina P Lt. Colonels R at Palmyra Guardaya, na kapwa mula sa PNPA Batch 2008 o “Omansilang class”.

Nabatid ng ABANTE kay Lt. Col Palmyra Domingo Guardaya, na kasalukuyang chief of police ng San Jose City, Nueva Ecija na ang pagpapangalan ng tig-iisang letra sa mga anak ay kagustuhan ng kanyang mister na si “R”, na tubong South Cotabato at panganay sa 4 na magkakapatid.

Bilang panganay isang letra lang ang pangalan ni mister at ang mga sumunod ay 2, 3 at 4 na ang mga letra at ang mga pangalan ay “CF”, “JYA”, at “KFER”.

Si Sir “R” ay hepe ngayon ng CIDG Iloilo.

“Para raw hindi mahirapan sa pagsusulat ng kanilang pangalan, kaya ganun lang ang ginawang pangalan sa kanila ng kanilang mga magulang” masayang kwento ni Col. Palmyra na tubong Victoria, Tarlac.

Sinuportahan nito ang kagustuhan ni mister kaya ang kanilang panganay na ngayon ay 11 ang edad ay napangalanang “Q” at ang sumunod ay si “R” Jr., na 8-anyos na ngayon.

Naibahagi pa ni Col. Palmyra na noong nag-aaral siya sa Tarlac State University ay nahikayat lang siya ng may 16 na iba pang dabarkads na kumuha ng police entrance sa San Fernando, Pampanga at siya lang ang nakapasa.

“Pero plano ko noon ay CE o civil engineer, wala sa isip kong magpulis” dagdag ng 36 anyos na lady officer. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.