Una sa Balita

Mag-asawang OFW, limas sa tandem

By
0 190

CABANATUAN CITY — Isang mag-asawang kapwa overseas Filipino worker (OFW) ang naging biktima ng “riding-in-tandem” na holdaper noong Linggo ng gabi habang bumibiyahe sa may Masagana St., Brgy. Daang Sarile sa lunsod na ito.

Kinilala sa ulat ang mga biktimang sina Maegan Allison Viernes Manahan, 26, at live-in partner na si Michelle Castillo Montealto, 25, kapwa re­si­dente ng Purok 6, Brgy. Cruz Roja rito, at kauuwi galing New Zealand.

Nabatid sa imbestigas­yon ni SPO1 Ronel Balundo na dakong alas-sais ng gabi pauwi na ang mag-asawa sakay ng motorsiklong (XM 5205) minamaneho ni Manahan nang biglang hara­ngin ng mga armadong salarin na lulan din ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Agad umano silang tinutukan ng baril ng back­rider at sapilitang i­na­gaw ang kanilang kulay itim na backpack at mabilis na tumakas patungong timog.

Kabilang sa nakulimbat ang isang Apple 14” laptop na nagkakahalaga ng NZ$15,000; isang MSI 17” laptop na NZ$3,000; Samsung Cellphone Note4 na may halagang NZ$960, P36,000 cash at New Zealand Driver’s License; LTO Non-Professional Driver’s License, at ANZ credit card.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy