Una sa Balita

Mag-asawang Muslim itinumba sa Zamboanga

By
0 1,982

Isang babaeng Muslim at kinakasama nito ang pinagbabaril sa kanilang inaarkilang kuwarto sa Zamboanga City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Sahara Kibari, 32-anyos, at ang partner nitong si Alson Arraji, 23-anyos. Pinatay ang dalawa kamakalawa ng gabi sa Barangay Calarian di-kalayuan sa kampo ng Western Mindanao Command at ng PDEA.

Posible umanong kilala ng babae ang salarin dahil bago ang pamamaril ay narinig umano ng may-ari ng boarding house na nakikiusap si Sahara sa suspek at sinabi nito sa wikang Tausug na: “Ayaw na ‘toh”. At dito na umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Abante Hiring – IT dep

Nakita namang pa­labas sa lugar ang isang lalaking payat na may balbas na hinihinalang salarin.

Sa katawan at braso ang tama ni Sahara, samantalang sa ulo naman tinira si Alson. Nabawi sa lugar ang mga basyo ng .45-caliber pistol.

Nabatid na ika-apat na partner na ni Sahara ang binata. Hiwalay umano si Sahara sa tatlong naging ka-relasyon nito – ang isa ay sundalo at ang isa naman ay parak na naka-destino sa lalawigan ng Sulu, ayon sa mga ulat.

Kalilipat lamang umano ni Sahara sa lugar nitong Enero, ngunit may bahay naman ito sa iba pang barangay sa Zamboanga.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit mahigpit na ipinagbabawal sa Islam na ang mga babaeng Muslim ay magkaroon ng relasyon sa ibang lalaki.