Una sa Balita

Mag-asawang magsasaka napagtapos ng kolehiyo ang 8 anak

0 550

DAHIL sa pagsisikap ng isang mag-asawa, naigapang nila ang walong anak at napagtapos sa iba’t ibang kurso.

Sa Facebook post ipinahayag ni Jovy Cataraja-Albite ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang dahil sa sakripisyo ng mga ito sa kanila.

Kuwento ni Jovy, kung hindi dahil sa pagpupursige ng kanilang mga magulang ay hindi sila makakapagtapos ng pag-aaral at hindi magkakaroon ng magandang buhay.

Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.

Dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos silang magkakapatid ng kanilang mga magulang kahit na magkandakuba sa kakatrabaho, hindi ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya nila.

Sa huli ay nasuklian ang sakripisyo ng kanilang mga magulang dahil mayroon ng mga anak na nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher at nautical.

Kaya ngayong matanda na ang kanilang mga magulang, sila namang mga anak ang tumutulong sa kanilang mga magulang para makapagpahinga at lasapin ang maginhawang buhay.

“We reached our dreams and it’s about time to give back what our parents really deserve…” aniya. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More