Una sa Balita

Mag-asawang gov’t official naghahanap ng mansyon sa lockdown

0 927

Dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine, nagkaroon ng pagkakataon ang mag-asawang opisyal ng gobyerno na maghagilap ng bagong tahanan.

Sa info ni Mang Teban, binalik-balikan daw ng mag-asawa ang Ayala-Alabang Village sa Muntinlupa City sa paghahanap ng malilipatang bahay.

Mukhang malaking mansyon daw ang hinahanap ng mag-asawa, pero hindi naman katulad ng mansyon ni Senador Manny Pacquiao sa Dasmariñas Village sa Makati.

Kumita daw kasi ng malaki ang mag-asawa sa kanilang posisyon sa gobyerno at kaya na nilang gumastos ng malaki sa paghahanap ng bagong mansyon.

Pintahan nyo na. Ang mag-asawa na naghahagilap ng mansyon sa Ayala-Alabang ay may letrang M sa kanilang pangalan as in Maimpluwensiya ang backer nila.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More