Mag-asawa tepok sa ambush

By

GAPAN CITY, Nueva Ecija — Kapwa patay ang isang mag-asawa at malubhang nasugatan ang isa pa makaraang pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin noong Sabado ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Hi-way, Brgy. Sto Niño rito.

Sa ulat ni P/Supt. Peter Madria nakilala ang mga biktima na sina Lolito Padilla Abiog, 59, at asawang si Marites Sta. Ines Abiog, 59, mga residente ng Likod Drive, Brgy. San Nicolas sa lungsod na ito.

Sugatan si Mary Grace Francisco Victorino, 40, residente ng Brgy. Sto Niño rito na tinamaan sa binti nito.

Nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon, lulan ang mag-asawa sa kotse, may plakang WIU 708, nakarehistro kay Antonio P. Matias ng Libis St., Brgy. San Nicolas, Gapan City, at minamaneho ni Jeffrey Sta. Ines Abiog, 29, at patungong Brgy. San Nicolas noong mahinto dahil sa traffic.

Biglang sumulpot sa kanang bahagi ang gunman at sunud-sunod na pinagbabaril ang mag-asawang Abiog.

SHARE