Una sa Balita

Mag-asawa pinara muna bago inambus

0 271

TODAS ang isang fish vendor habang sugatan ang kanyang misis matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa bayan ng Calasiao, Pangasinan noong Biyernes.

Kinilala ng Calasiao Police Station (CPS) ang namatay na si Mario de Leon, 53, fish vendor at caretaker ng isang palaisdaan habang ang kanyang misis ay si Josie de Leon.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng CPS na galing umano sa palengke at pauwi na ang mag-asawa sakay ng isang sasakyan nang biglang parahin at hinarang ng isang motorsiklo na walang plaka kung saan sakay ang dalawang suspek.

Dito, bumunot ng handgun ang back ride ng motorsiko at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-asawa kung saan si Mario ang pinuruhan sa ulo at katawan.

Samantala, nadaplisan ng bala ng baril ang misis nito at nagpapagaling sa hindi tinukoy na ospital para sa kanyang seguridad.
Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up investigation ang CPS kung ano ang motibo sa likod ng pamamaril. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy