Una sa Balita

Mag-asawa niratrat sa loob ng bahay

0 408

WALANG nang buhay na iniwan ang mag-asawa na pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay, habang nakaligtas ang kanilang tatlong apo, sa Barangay Bae, Sibonga, Cebu.

Nakilala ang mga nasawi na sina Proferio Tolomia, 72-anyos, at Anatalia Tolomia, 74, habang nakaligtas naman ang tatlong mga apo na nasa edad 11-anyos hanggang 19.

Base sa report ng Sibonga Police, natutulog umano ang mag-asawa nang pasukin ng dalawang­ suspek at sinimulang paulanan ng mga bala ang mag-asawa, noong Miyerkoles ng gabi.
Dalawa naman sa mga apo ng mag-asawa ang nakatalon palabas ng bintana at pumunta sa kapitbahay, habang pinakabata naman ay siniksik ang sarili sa bahagi ng bahay para hindi makita ng mga suspek.
Ayon sa report, nakamaskara ang mga suspek kaya hindi nila nakilala ang mga ito.
Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya upang malaman kung ano ang naging­ motibo ng pamamaril na kung saan anggulo sa away sa lupa ang kanilang nakikitang motibo sa krimen. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More