Una sa Balita

Mag-asawa inambus sa Batangas

By
0 1,102

KAPWA patay ang isang mag-asawa matapos tambangan ng hindi nakilalang gunman sa Barangay Manghinao Proper, Bauan, Bata­ngas kahapon 

Kinilala ng Bauan police ang mga biktima na sina Estelita Salcedo Abante at Rizal Ambat Abante.

Batay sa report ng Bauan police, bandang alas-4:30 nang madaling-araw, sakay ang mag-asawa ng kanilang L-300 van nang pagbabarilin ng suspek sa hindi kalayuan sa kanilang ­tahanan sa Villa Florentina Subdivision.

Agad ding tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Mabilis namang isinugod sa Bauan Doctor General Hospital ang mga biktima subalit kapwa ideneklarang dead-on-arrival ng doktor.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng Bauan PNP at inaalam ang motibo at kung sino ang salarin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy