Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-asawa binurdahan ng saksak sa sariling bahay

0 79

Tumambad sa kanilang anak ang duguang katawan ng mag-asawa na pinagsasaksak sa loob ng kanilang bahay sa Aroroy, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Robion Arciete, 75; Corazon Arciete, 60; pawang residente ng Brgy. Managanaga. Nasabi pa umano ng ginang sa kanyang anak, bago ito malagutan ng hininga, kung sino ang nanaksak sa kanilang mag-asawa.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Kano Yamson, 26, binata, residente ng Brgy. Dayao, Mandaon.

Sa ulat ng pulisya alas-siyete Linggo ng umaga nang matagpuang tadtad ng saksak ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay. Ang anak ng mga biktima na si Rommel Arciete, 31, ang unang nakatagpo sa mga duguang mga magulang.

Inaalam pa ang motibo ng krimen. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.