Una sa Balita

Mag-asawa arestado sa P900M bitcoin scam

By
0 2,295

Arestado ang mag-asawang mastermind ng milyon-milyong investment scam na newG Bitcoin na nakakulimbat ng P900 milyon sa 50 nalokong investors.

Kahapon ay iprinisinta sa media sa Camp Crame ang mag-asawang suspek na nakilalang sina Arnel Ordonio, 27, at asawa nitong si Leonady Ordonio, ang mga registered owner ng newG company.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa, ang mag-asawang suspek ay nakakuha ng P900 milyon sa kanilang 50 investors na kanilang napaikot kaya mahigpit nitong ipinaalala sa publiko na huwag magpaloko sa kaliwa’t kanang investment scam na naglalabasan.

“Huwag na huwag maniniwala sa ‘too good to be true’ na mga pangako dahil mismo ako ay nabiktima rin ng investment scam noon,” pahayag ni Dela Rosa sa isinagawang press briefing sa Camp Crame.

Ayon naman kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Director Rouel Obusan, naaresto sa isinagawang entrapment operation ang ­mag-asawang suspek noong Abril 4 ng taong kasalukuyan habang tumatanggap ng investment mula sa isa sa kanilang investors.

“It so happened na sa dami ng ­complainants may isang complainant nung hinahanap namin siya it took many days and months, nung nakakuha tayo ng isang nag-invest na na-contact si Ordonio na nanghihingi siya ulit ng another P2 million para mabuksan niya bitcoin code doon na. Ang panghuli nami sa kanya in the act at yung mga nandito ay regular ­filing na,” pahayag ni Obusan.

Paliwanag ni Obusan, sa ilalim ng ­Bitcoin, pinapangakuan ang mga ­investors ng madodoble ang kanilang investment sa loob lamang ng maikling panahon. Kasong syndicated estafa ang kinakaharap ng mag-asawang suspek na ngayon ay nakakulong sa CIDG detetion cell.