Una sa Balita

Mag-asawa agaw-buhay sa pananaksak ng anak

By
0 371

KAPWA agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang mag-asawa nang pagsasaksakin ito ng kanilang anak na lalaki na may kapansanan sa pag-iisip kahapon nang umaga sa Makati City.

Sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay patuloy pa ring nilalalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang mga biktimang sina Allan Astillero, 48-an­yos, at misis nitong si Araceli, 59, residente ng Block 11, Lot 5, Guiho Ext., Brgy. Cembo ng naturang lungsod.

Nagsasagawa nga­yon ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa tumakas na suspek na nakilalang si Carigie Astillero, 20, binata, nakatira sa natu­rang lugar.

Abante Hiring – IT dep

Batay sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Roger Simon, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente bandang alas-5:30 nang mada­ling-araw sa mismong bahay ng mga biktima sa Block 11, Lot 5, Guiho Ext., naturang lungsod.

Natutulog ang mag-asawa nang pumasok sa loob ng kuwarto ang kanilang anak at sabay na pinagsasaksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, napag-alaman nila na may sakit umano sa pag-iisip ang suspek at ito patuloy na iniim­bestigahan.