Una sa Balita

Mag-anak tusta sa sunog

0 402

MAGKAKAYAKAP pa nang matagpuan ang wala nang buhay na mag-asawa at 2-anyos nilang anak nang masunog ang tinutulugan ng mga ito sa Rizal Avenue, West Bajac Bajac sa Olongapo City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing sina Ricardo, Marrian­ Panga­niban at kanilang anak na si Aira na natagpuan sa ika-apat na palapag ng nasunog na gusaling pag-aari umano ni Florencio Cureg.

Aabot umano sa P50 milyong halaga ang natupok ng apoy sa gusali na tindahan din ng mga piyesa ng mga sasakyan.

Nagsimula ang sunog alas-singko ng umaga sa unang palapag ng gusali na mabilis na umakyat sa iba pang bahagi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga produkto ng langis at gulong na nakaimbak sa gusali.

Makalipas ang mahigit tatlong oras ay naa­pula ng mga awtoridad ang naturang sunog.

Pinag-aaralan na ang pinagmulan ng apoy. (Jojo Perez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy