Una sa Balita

Mag-anak, 5 pa laglag sa buy-bust

By
0 6

Walong katao kabilang ang tatlong magkakamag-anak na pawang tulak ng droga ang nadakip makaraang makumpiskahan ng 12 pakete ng shabu at drug paraphernalias sa isinagawang buy-bust ng Bocaue Police sa Barangay Batia, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong sina Mary Ann Marinay at mga kaanak na sina Ma. Lourdes at Jhonister Marinay; Romualdo Alfonso, Jomar Palaya, Ted Cayobit, Wally Mata at Michael Agustin, pawang residente sa Barangay Batia, Bocaue na pawang nakadetine ngayon sa nasabing himpilan.

Nahaharap ngayon sa mga kasong Violation of Section 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng RA 9165 ang naarestong mga suspek kabilang ang pamilya Marinay at nakumpiskahan ng 12 pakete ng shabu, siyam na gamit ng plastic sachet na may shabu residue at mga paraphernalias.