Una sa Balita

Mag-amo na magkasosyo sa pagtutulak, laglag

By
0 267

KULUNGAN ang bagsak ng mag-amang tulak kasama ang kanilang kasambahay matapos ang ikinasang drug buy-bust operations kamakalawa ng gabi sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD) Director Sr. Supt. Bernabe Balba, nahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ang notoryus na mag-amang nagtutulak ng droga at ang kanilang kasambahay na kapwa mga nasa listahan ng drug watchlist ng barangay at pulisya.

Kinilala ni P/Insp. Greco Gonzales ang mga suspek na sina Edwin Cabilin, 45-anyos at ang anak na si Lance Edwin, 18-anyos, out of school youth at ang on-call na kasambahay na si Marissa Medina, 50-anyos, kapwa mga residente ng Bara­ngay Concepcion Dos, Marikina City.

Nabatid na walang trabaho ang ama at hindi naman nag-aaral ang anak kung saan nabubuhay ang mag-ama sa pagtutulak ng droga.

Kasosyo nila sa bentahan ang kanilang kapitbahay na nag-aalaga ng bata at taga-linis ng kanilang bahay na isa ring kilalang tulak ng kanilang lugar.

Ikinasa ang drug buy-bust operation bandang alas-8:25 ­kamakalawa ng gabi sa H. Magat Salamat St., Barangay Concepcion Dos, makaraang makipagtran­saksyon ang isang pulis na umaktong buyer kay Medina.

Nang magpositibo ang mga tauhan ng pulisya na may dalang ­droga ang suspek ay agad na nilambat ang tatlong suspek na notor­yus sa kanilang bara­ngay.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, P500 na ginamit bilang buy-bust money, dalawang piraso ng glass tube pipe na may sinunog na dried marijuana leaves, digital weighing scale at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina ­detention cell at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act.