Una sa Balita

Mag-amang rider todas sa trak

0 386

NAGLULUKSA ngayon ang mga kamag-anak ng isang mag-ama na binawian ng buhay matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo nang magitgit ng trak kung saan kritikal ang kasama nilang 10-an­yos na batang babae, kamakalawa nang gabi sa Valenzuela City.

Dead on-the-spot sina Romeo Escamate Jr., 34 at anak nitong si Mark Robert, 9, kapwa naninira­han sa Block 5 Lot 45, Barangay San Vicente, Sto. Tomas, Batangas City.

Base sa medicolegal, nagtamo ng labis na pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ama

Ginagamot naman sa Valenzuela City Medical Center ang kamag-anak nilang si Mary Lord Escamante, 10, nakatira sa No. 574, Dulalia Street, Barangay Lingunan, Valenzuela City dahil din sa mga injury sa katawan at ulo.

Sa panayam kay SPO3 Tirso Delina, Head ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dakong alas-9:30 nang gabi nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Dulalia St., Barangay Lingunan ng nasabing lungsod.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktima (for registration with MV File No. HOB-0000260854) na minamaneho ni Escamate Jr.

Nag-overtake ito sa trak pero nagigitgit sila ng nasabing sasak­yan matapos masagi. Tumilapon ang tatlo sa gilid ng kalsada.

Tumama ang ulo sa semento ng mag-amang Escamate na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Sa halip na hintuan, tumalilis patakas ang driver ng trak at dere-deretso patungong Mac Arthur Highway na kasalukyan ay hinahanting ng pulisya. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy