Una sa Balita

Mag-amang Diokno, balae gigisahin

0 492

INIMBITAHAN ni House Majority Leader Rolan­do Andaya Jr. sina Budget Secretary Benjamin Diokno, anak nitong si Charlotte Justine at mga in-law nito na may-ari ng Aremar Construction para humarap sa hearing ukol sa maanomalyang flood control project.

Nakatakdang huma­rap ang mag-amang Diokno at may-ari ng Aremar bilang resource person sa susunod na hearing ng panel na gaganapin sa Enero 15.

Bukod sa mga nabanggit, pinadalhan din ng Committee on Rules ng subpoena ang mga senior official ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Department of Budget and Management (DBM) gayundin ang umano’y naging liaison officer ng C.T. Leoncio Construction na nakipag-deal sa mga kontrata sa pamahalaan.

“We expect full coo­peration and full disclosure from those invited to the hearing as they will be testifying under oath,” ayon sa pahayag ni Andaya.

Ayon pa kay ­Andaya, ito ang magbibigay ng pagkakataon upang maipaliwanag ng mga sangkot na opisyal ang kanilang panig ukol sa umano’y nangyaring anomalya sa multi-billion peso flood control project.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy