Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-ama patay, 3 sugatan sa sunog

0 273

Nasawi ang dalawang katao, habang tatlo ang sugatan sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Barangay San Joaquin sa Pasig, Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Fire Supt. Douglas Guiyab, Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection ang nasawi ay kinilalang sina Rodolfo Eguillos, 40, at kaniyang 10-anyos na anak na lalaki.

Samantala, kinilala ang mga nasugatang sina Marie Antonette, John Rofer Eguillos, at Fercilina Eguillos.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy pasado ala-una at nagmula sa bahay ni Merlina Dalayday. Agad iniakyat sa unang alarma ang sunog matapos lamunin ang buong bahay na gawa sa light material. Naapula ito ala-1:50 ng madaling araw.

Tinatayang nasa P200,000 ang danyos sa sunog, inaalam na ang sanhi ng apoy. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.