Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-ama, pamangkin sumalpok sa trak

0 134

Dedbol ang tatlong katao, kabilang ang dalawang paslit, matapos suwagin ng isang truck ang kanilang sinasakyang kulong-kulong na tricycle sa kahabaan ng bayan ng Claveria, Cagayan noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Claveria Police Station (CPS) ang mga biktima na sina Fernando Carniyan, 46, driver ng kulong-kulong, at anak niyang si Angela Carniyan, anim-na-taong gulang at pamangkin na si Angel Juan, 5, pawang mga taga-Barangay Pata sa nasabing bayan.

Samantala, ayon sa pulisya, sugatan naman at inoobserbahan sa isang ospital ang kinakasama ni Carniyan na si Roselyn Juan, 41, ng nasabing ring lugar.

Sa ulat, ayon sa CPS, bago mangyari ang insidente, pauwi na umano ang mag-anak sa kanilang bahay mula sa isang salo-salo sakay ng kulong-kulong o isang uri ng tricycle nang masalpok ng nag-overtake na truck na minamaneho ni Julius Amanonce, 22, mula sa kabilang linya ang kanilang sinasakyang kulong-kulong sa bahagi ng Barangay D. Leaño dulot ng kanilang kamatayan. (Allan Bergonia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.