Una sa Balita

Mag-ama nilamon ng ilog sa Lucena

By
0 577

NAGTAPOS sa trahedya ang pagdalaw ng isang lalaki sa mga kaanak ng kanyang asawa matapos na sila ng kanyang 10-taong gulang na anak ay malunod sa ilog sa Lucena City kamakalawa nang gabi.

Ayon sa Lucena City police, kapwa wala nang buhay nang dalhin sa ospital ang mag-amang sina Ronaldo Bagasbas Dacer, resi­dente ng Barangay Marketview at anak nito na si Jay-R matapos masagip sa ilog dakong alas-siyete nang gabi.

Batay sa imbestigasyon, nagtungo sa Barangay Gulang-gulang ang mag-ama at nakipag-inuman si Dacer sa mga kaanak ng kanyang misis na si Ruby Ann Padernal.

Matapos ang inuman ay nag­yaya itong maligo sila ng kanyang anak sa katabing Dumacaa River.

Subalit natangay ng agos ng tubig patungo sa malalim na bahagi ng ilog ang mag-ama.

Kaagad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Lucena-Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) at natagpuan ang katawan ng dalawa makalipas ang dalawang oras.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More