Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Madugong EJK hindi uubra kay Lacson

0 198

Hindi papayagan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na sikmurain pa ng mga Pilipino ang mga kuwento ng patayan dahil sa ‘extrajudicial killings’ na naging laganap nitong mga nakaraang taon kapag siya ang nahahalal na mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

Ayon kay Lacson, walang puwang sa kanyang magiging administrasyon ang sinumang alagad ng batas na walang habas na pumapatay ng mga inosente at sibilyan dahil wala silang pinagkaiba sa mga magnanakaw na nais niyang puksain.

“‘Yong EJK isang uri rin ng pagnanakaw ‘yan, kasi ninanakawan mo ng buhay ‘yong (biktima) na labas doon sa tinatawag na rule of law, ano,” sabi ni Lacson sa panayam sa radyo.

Ginawa niyang halimbawa ang nangyari sa 17-anyos na si Kian de los Santos at mga tulad niyang naging biktima ng EJK.

Para kay Lacson, malawak ang usapin ng pagnanakaw at hindi ito limitado lamang sa mga kaso ng pagkawala ng iba’t ibang materyal na bagay at pag-aari, ngunit maging ang magandang buhay at oportunidad para sa mga susunod na he-nerasyon dahil sa mga patayan at talamak na katiwalian. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.