Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Madugo, madrama: Mga fan galit sa nangyari kina Cardo-Alyana

0 276

Madugo, madrama ang pinalabas na episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’ nitong Biyernes, na kung saan ay ipinakitang parehong duguan sina Cardo Dalisay at ang misis nitong si Alyana.

Napasabak nga sa isang matinding engkuwentro ang grupo nina Cardo, at ilang bala ng baril nga ang tumama sa kanya. Ganun din si Alyana na sumugod sa engkuwentro para tulungan ang kanyang mister, pero sa kasawiang-palad ay natadtad din siya ng baril.

Sa huli, ipinakita na gumapang ang dalawa para magkalapit, at naghawak ang kanilang mga kamay habang lumuluha. Nauna munang ipinikit ni Alyana ang kanyang mata, at kasunod na rin ang kay Cardo.

Ang tanong nila, sino sa dalawa ang namatay?

Anyway, lumabas na nga ang chika na umalis na sa Ang Probinsyano si Yassi Pressman. At sa Instagram ni Yassi, tila nagparamdam na siya na ‘namatay’ na nga siya.

At siyempre masama ang loob ng mga fan, dahil tila nabago raw ang kuwento nito. Na ang dapat sana ay hanggang dulo na samahan ng CarYana ay hindi naganap.

Na feeling ng mga fan, kung kailan hulog na hulog na sila sa tandem nina Coco Martin at Yassi Pressman, doon pa ito pinatay, ha!

Siyanga pala, kalat na rin ang mga joke ngayon para sa Ang Probinsyano. Sabi nila, kung si Cardo ang namatay, sure raw na may isa pang susulpot na karakter ni Coco, dahil triplets nga raw ang mga Dalisay.

Anyway, humamig daw ng mataas na record ang episode na `yon ng Ang Probinsyano sa social media (Facebook at YouTube). (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.