Una sa Balita

Madre na dawit kay Colangco, nagsalita na

By
0 165

Binasag na ng isang madre ang kanyang katahimikan kaugnay sa kanyang larawan kasama ang convicted drug lord na si Herbert ‘Ampang’ Colangco sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na nag-viral sa social media.

Sinabi ni Sr. Zeny Cabrera, Caritas Manila Restorative Justice Ministry coordinator ng Archdiocese of Manila, na hindi niya pinoproteksiyunan si Colangco at ang kuhang iyon ay ginawa matapos ang pagbibigay ng “certificate of Recognition” ng Ministry para sa mga bilanggong nakiisa sa programa para sa pagbabagong-buhay para mapaikli ang kanilang sentensya.

Ayon kay Cabrera, bilang isang taga-Simbahan at tagasunod ni Kristo, hindi umano siya namimili ng mga taong kanyang sasamahan at makakasa­lamuha.

Nilinaw ni Sister Cabrera na ganito ang naging papel niya sa buhay ni Colangco.

Sinabi pa ng madre na hindi niya ipinagtatanggol si Colangco o sinumang nasa bilangguan kundi ang nais lamang nila ay ihatid sa lahat lalo na sa mga makasalanan na ang awa ng Diyos ay para sa lahat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy