Una sa Balita

Madonna nahuhumaling sa 25-anyos na hottie

0 515

Kapag tumibok ang puso, wala nga bang magagawa kundi sundin ito?

Mukhang nabihag ng isang 25-year-old hottie dancer ang puso ng music legend na si Madonna na 61-anyos.

Kinilala ang 25-anyos na hunk dancer na si Ahlamalik Williams na spotted nga na nakayapos kay Madonna nitong weekend lang, ayon sa ulat ng Page Six.

Makikita sa picture ang pagiging sweet ng dalawa, nakabalot ang mga kamay ni Williams kay Madonna sabay haplos-haplos din sa tiyan ng singer. May litrato ring kumakalat na minamasahe pa ng dancer ang balikat ni Madonna at nakasandal din ang ulo niya sa singer.

Matagal nang umuugong sa publiko ang namamagitan sa kanilang dalawa pero hanggang ngayon, dedma sila sa mga usapang iyon.

May mga post na rin noon si Madonna na spotted niyang kasama ang young hottie na ito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy