Una sa Balita

Maddie, Ateneo move on sa kabiguan kontra DLSU

0 328

IPAPAGPAG ni Ateneo veteran middle blocker Maddie Madayag ang pagkatalo nila sa defending champions DLSU Lady Spikers para manatiling pokus sa pagsungkit ng twice-to-beat advantage sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Kahit pa pinataob via three sets at tinuldukan ang kanilang 10-straight victories sa elimination round, nanatiling una pa rin ang Lady Eagles (10-2) sa standings ng torneo.

Kumpiyansa naman si skipper Madayag na makakabangon ang Ateneo volleybelles sa dalawang huling laban nito.

“Hindi pa naman tapos ‘yung second round. We don’t need to prove anything to anyone. We just have to play our game and be ourselves,” pahayag ni Madayag.

Makakaharap ng Katipunan-based squad ang Adamson Lady Falcons sa darating na Abril 24 at ang UE Lady Warriors sa Abril 28.

“One game at a time obvious­ly, hindi kami mag-overthink and do what we usually do and focus on eve­rything,” giit pa ni Madayag. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy