Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Madayag bet mag-beach

0 101

HABANG may pandemya pa rin, hanggang imahinasyon na lang muna sa kanyang beach trip si Premier Volleyball League (PVL) star Maddie Madayag.

Ibinahagi ng 22-anyos, 5-11 ang taas na dalagang Davaoeña at Choco Mucho Flying Titans middle blocker sa Instagram nitong Linggo ang isang throwback beach photo niyang naka-two-piece swimsuit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon ng beteranang balibolista na nakapag-national team na, “Kunwari nasa beach. Lol this was 2 years ago hahaha.”

Namangha naman ang ilang netizen sa beach body ni Madayag kabilang na sina Sto. Tomas Golden Tigresses Ejiya ‘Eya’ Laure at Philippine SuperLiga (PSL)-PVL player Jovelyn Gonzaga. (Janiel Abby Toralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.