Una sa Balita

Madaming entry sa Pasay Cockpit

0 636

DAHIL sa inaasahang maraming entries, mala­kas ang paderbi ng Pasay City Cockpit sa Biyernes, Jan. 11 ang “Erica and Friends 4-Cock Derby”.

Aabot sa P300,000 ang premyo, ani PCC pit manager Gerald Go na nagtakda ng P11,000 at minimum bet, P11,000.

Ilang miyembro ng Luzon Gamecock Bree­ders Association (LGBA) at National Cockers Alliance (NCA) ang sasali.

Suportado ng Sagu­paan Superfeeds at Complexor 3000 ang pasabong na ito ni PCC operations manager Erica Clemente.

Kasunod sa PCC ang Friendly 3-Cock Derby sa Jan. 25 (Marie Rama, Elbie and Friends) at ang “Bulldog Big Event 6 -Cock Derby” sa Feb. 8 (Mayor Francis Espiritu at Danny Buldog).

Isang 7-cock derby ang magpapasimula sa 2019 LGBA Cocker of the Year series sa Feb. 15, 18 at 22 (first leg). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy